Thursday, February 2, 2017

Panalangin para sa Taon ng Parokya



Diyos na bukal ng kabutihan,
salamat sa handog mong pagpapanibago,sa pagkakaloob ng mga munting sambayanang  Kristiyano,bilang lugar at pagkakataonupang maisabuhay ng makahuluganang aming pananampalataya.

Nagsusumamo kami
na pagkalooban ng higit na alab ng kaloobansa pagsususlong ng munting sambayanang  Kristiyanona magbibigay ng bagong siglasa pagpapanibago ng aming pamilya, kapitbahayan, at parokya.

Kami nawa’y maging tunay na asin
na magpapanatili ng pananampalataya,ilaw na nagbibigay ng liwanag sa aming misyon,at lebadura na magpapa-alsa ng pakikilahok.

Ito ay aming samo’t dalangin
sa ngalan ni Kristo na aming Panginoon.Amen.
Share:

0 comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.

Sitemap